Marupok ang Mundo
Lahat ng bagay ay nasisira, at kung minsan ay nasisira ang mga ito sa paraan at panahong hindi mo inaasahan. Nakakainis, lalo na't wala ka namang sadyang ginawa para sirain ang mga ito. Pagkatapos, sisisihin mo pa ang iyong sarili at ang ibang tao dahil sa inaakala mong pagkakamali o kawalan ng pag-iingat. Akala mo ay sa iyong mga kamay lamang nakasalalay ang pananatili ng mga bagay sa mundo, at tila may mabisang kapangyarihan kang pigilan ang pagkasira ng mga ito.
Hindi ko naman sinasabing huwag na tayong maging maingat sa ating mga gamit. Ang punto ko lang, kung sa kabila ng maingat na paggamit ay tuluyan pa ring nasira ang isang kagamitan o bagay, huwag mo na lang sayangin ang oras mo sa walang katuturang pagkainis. Sa halip, tanggapin nang maluwag ang katotohanan ng buhay at ituon na lamang ang pansin sa susunod na nararapat gawin.
Comments