Takot, Pagkabalisa, Inis

Kapag may seryoso akong problemang inaasikaso, natatakot akong mawalan ng pokus. Natatakot akong makinig nang matagal sa musika, manood ng pelikula, magbasa ng libro, o gumawa ng anumang gawaing bahay. Sa totoo lang, halos lahat ng bagay na walang direktang kinalaman sa paglutas ng problema ko ay parang kailangan kong iwasan. Hindi ito katamaran. Takot. Tinatamad lang ako kapag nasa isang komportableng sitwasyon, yung alam kong hindi ako mapapahamak kahit magpabaya. Pero kapag ganitong may nagbabadyang pagkabigo o kawalang-pagasa, hindi katamaran ang dahilan kung bakit ayaw kong magkikilos. At kung masabi mang "tamarin" ako, mas tama sigurong sabihing napagod lang talaga ako — maaaring dahil sa antok, o dahil sa literal at pisikal na pagkapagod.

Kinatatakutan ko rin ang mga planong may kalabuan. Hindi sapat na malinaw sa isip ko ang solusyon; kailangan ko itong isulat, himayin, at makita mismo ng dalawang mata ko ang isang maayos na paliwanag kung paano ko ito isasakatuparan at kung makatotohanan ba ang mga inaasahan kong resulta. Hindi ako basta sulat lang nang sulat sa talaarawan ko para lang maginarte, bagkus isa itong mahalagang proseso ng problem-solving.

Kaya sa mga ganitong sitwasyon, madali talaga akong mairita sa sinumang "nagmamalasakit" na magpayo kung ano ang dapat kong gawin. Para sa akin, pagmamarunong lang ang dating, at lalo lang nilang pinabibigat ang isang problemang mabigat na nga. Nadadagdagan lang ang iniisip ko kapag nagmumungkahi sila ng mga kung anu-ano, gayong mas seryoso kong pinag-iisipan ang problema kaysa sa sinumang nangingialam lang. Nakakainis din ang paimbabaw na malasakit; pare-pareho naman naming alam na ako ang talagang tanging dehado sa sandaling pumalya ang mga ipinagpipilitan nilang "solusyon."

Comments

POPULAR POSTS

Ang Aking Opinyon Hinggil sa Paggamit ng Kalapati sa Rituwal ng Salubong sa Parokya ng Inmaculada Concepcion, Diyosesis ng Kalookan

Private Thoughts vs. Public Actions

γƒžγ‚―γ‚Έγ‚§γƒ• フロンドゾ