Ang Aking Opinyon Hinggil sa Paggamit ng Kalapati sa Rituwal ng Salubong sa Parokya ng Inmaculada Concepcion, Diyosesis ng Kalookan
"Animals are entrusted to man's stewardship; he must show them kindness. They may be used to serve the just satisfaction of man's needs." – CATECHISM OF THE CATHOLIC CHURCH, 2457 1. Ano bang nangyari? Batay sa opisyal na paliwanag ng diyosesis at ng parokya, 1 walong dekada na silang gumagamit ng buhay na kalapati sa bahagi ng pagtatanggal ng belo sa imahen ng Mahal na Birhen: nakabitin sa mga lobo, nakatali ang mga pakpak sa patpat upang manatiling nakabuka, may pangkalawit na nakatali sa paa para panungkit ng belo, at saka hinahayaang tangayin sa alapaap kasama ng mga lobo. Ito daw ang ginawa nilang alternatibo sa nakagisnang paggamit ng mga bata na nagdadamit anghel habang nakalambiting hinihila ang belo sa imahen. TALABABA "The parish has long practiced the use of a live pigeon—rather than a child dressed as an angel—for several decades, ...

Comments